Pinapadali ng Instant Transcribe at Mga Notification sa Tunog ang access sa pang-araw-araw na pag-uusap at tunog sa paligid para sa mga bingi at may problema sa pandinig, gamit lang ang iyong Android phone.
Sa karamihan ng mga device, puwede mong buksan ang Instant Transcribe at Mga Notification sa Tunog gamit ang mga hakbang na ito:
1. Buksan ang app na Mga Setting ng device
2. I-tap ang Accessibility
3. Depende sa kung aling feature ang gusto mong gamitin, i-tap ang Instant Transcribe o Mga Notification sa Tunog
Puwede mo ring gamitin ang button ng accessibility, galaw, o Mga Mabilisang Setting para simulan ang Instant Transcribe o Mga Notification sa Tunog (
https://g.co/a11y/shortcutsFAQ).
Mga real-time na transkripsyon• Nagbibigay ang na-redesign na interface ng pag-uusap ng mas maayos at mas madaling back-and-forth na komunikasyon.
• Makakuha ng mga transkripsyon nang real-time sa mahigit 80 wika at dialect. Magdagdag ng mga custom na salita na madalas mong ginagamit, tulad ng mga pangalan o gamit sa bahay.
• Itakdang mag-vibrate ang iyong telepono kapag may nagsabi ng iyong pangalan.
• I-type ang mga sagot sa iyong pag-uusap.
• Gumamit ng mga external na mikropono na makikita sa mga wired na headset, Bluetooth headset, at USB mic para sa mas magandang reception ng audio.
• Sa mga foldable phone, magpakita ng mga transcription at nai-type na sagot sa panlabas na screen para mas madaling makipag-ugnayan sa iba.
• Piliing i-save ang mga transcription sa loob ng 3 araw. Mananatili sa device ang na-save na transcription nang 3 araw para makopya at ma-paste ang mga ito sa ibang lugar. Bilang default, hindi sine-save ang mga transcription.
Mga Notification sa Tunog• Maabisuhan tungkol sa mahahalagang tunog sa paligid mo, gaya ng pag-beep ng smoke alarm o pag-iyak ng sanggol.
• Magdagdag ng mga custom na tunog para maabisuhan kapag nag-beep ang iyong mga appliance.
• Suriin ang mga tunog mula sa nakalipas na 12 oras para tingnan kung ano ang nangyayari sa paligid mo.
Mga Requirement:• Android 12 at mas bago
Ginawa ang Instant Transcribe at Mga Notification sa Tunog sa pakikipagtulungan sa Gallaudet University and Rochester Institute of Technology, National Technical Institute for the Deaf (RIT/NTID).
Tulong at feedback• Para magbigay ng feedback at makakuha ng mga update sa produkto, sumali sa Accessible Google Group sa
https://g.co/a11y/forum• Para sa tulong sa paggamit ng Instant Transcribe at Mga Notification sa Tunog, makipag-ugnayan sa amin sa
https://g.co/disabilitysupportAbiso sa mga pahintulotMikropono: Kailangan ng Instant Transcribe at Mga Notification sa Tunog ng access sa mikropono para i-transcribe ang pagsasalita at mga tunog sa paligid mo. Hindi sino-store ang audio pagkatapos maproseso ang mga transcription o natukoy na tunog.
Mga Notification: Kailangan ng mga feature ng Mga Notification sa Tunog ng access sa mga notification para maabisuhan ka tungkol sa mga tunog.
Mga kalapit na device: Kailangan ng Instant Transcribe ng access sa mga kalapit na device para makakonekta sa iyong mga Bluetooth na mikropono.
Serbisyo para sa Accessibility: Ginagamit ng Mga Notification sa Tunog ang Accessibility Service API para paganahin ang serbisyo nito sa pag-detect ng tunog sa background at i-enable ang mabilis na pag-access sa pamamagitan ng button o galaw para sa accessibility ng iyong device. Hindi ginagamit ang API na ito para magbasa, mangolekta, o mag-store ng content ng screen o personal na impormasyon.